Biglaan na binuo ang online show na "Tutok To Win" ni Kuya Wil upang makapaghatid pa rin ng saya at papremyo sa mga netizen, lalo na sa mga nawalan ng pagkakakitaan habang umiiral ng community quarantine dahil sa COVID-19.

Dahil sa Puerto Galera inabutan ng implementasyon ng community quarantine si Kuya Wil, doon na rin nila ginawa ang simpleng "studio" ng programa. Panoorin ang video at alamin kung papaano makasasali at posibleng manalo sa "Tutok To Wil" na aabot sa P10,000 kapag natawagan ni Kuya Wil.

--FRJ, GMA News