Pumanaw sa New York, USA ang batikang TV and radio host na si Leila Benitez dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa ulat ng GMA News nitong Biyernes, sinabing pumanaw nitong Abril 9 ang 89-anyos na si Leila Benitez-McCollum dahil sa komplikasyon dulot ng COVID-19.

Naging original host ng dating sikat na TV program na "Student Canteen" noong dekada 50 si Leila, at tinaguriang "First Lady of Philippine Television."

Nang ideklara ang Martial Law, nagpunta siya sa Amerika at naging host ng Voice of Amerika.

Ang New York ang sentro ng laban ng COVID-19 sa Amerika dahil sa dami ng kaso at nasasawi roon sanhi ng komplikasyong dulot ng virus.--FRJ, GMA News