Inanunsyo nina Mark Herras at Nicole Donesa na baby boy ang kanilang magiging panganay na anak.

Sa vlog ni Mark Herras, mapapanood ang gender reveal party nila ni Nicole kasama ang kanilang mga kamag-anak at mahal sa buhay, kung saan nakasulat ang tamang sagot sa mga laruang itlog.

Isa-isang binuksan ng mga kamag-anak nina Mark at Nicole ang mga laruan, pero hindi nila nabasa ang tamang sagot.

ADVERTISEMENT

Hanggang sa ibigay kay Mark ang pinakamalaking laruang itlog, at nang buksan niya, dito na lumabas ang sonogram pati ang anunsyo na baby boy ang ipinagbubuntis ng kaniyang partner.

Hindi naman mapigilang parehong maging emosyonal at maiyak nina Mark at Nicole sa gender reveal ng kanilang baby.

"I won!" sabi ni Mark, na hiling na maging baby boy ang kanilang anak.

"Watch out for baby Boy Herras," sabi naman ni Nicole.

Naging engaged sina Mark at Nicole nitong nakaraang Hunyo.

Naging magkarelasyon sina Mark at Nicole noong Agosto nang nakaraang taon.--FRJ, GMA News