Malapit nang iluwal ni Joyce Pring ang first baby nila ni Juancho Triviño. Aprubado kaya sa mag-asawa ang baby name suggestions ng kanilang "Unang Hirit" barkada?

"Thank God hindi siya mahirap na pregnancy. As in I'm still very active. 'Yung mahirap lang na part is the first trimester," kuwento ni Joyce sa "Tunay Na Buhay" na naghahanda na sa kaniyang maternity leave.

Inihayag din ni Joyce ang paghanga niya kay Juancho, na consistent pa rin ang pagiging ma-effort nang maghanap sa tatlong magkakaibang palengke ng green mango nang minsang mag-crave siya nito.

Nabuo ang pagmamahal nina Joyce at Juancho sa UH kaya naman espesyal sa mag-asawa ang programa at ang kanilang co-hosts barkada na "Little Juan" ang tawag sa paparating na baby.

Alin naman kaya sa mga pangalang mungkahi ng UH barkada na "Ethan Juan," "Juan Emmanuel," at "Chojoy," ang aprubado kina Joyce at Juancho? Panoorin ang video sa itaas.

--FRJ, GMA News