Muling naging usap-usapan sina Bea Alonzo at Dominic Roque, matapos silang makitang magkasama sa California sa Amerika.

Sa Unang Balita nitong Huwebes, sinabing makikita sa IG story ni Dominic na kasama niya si Bea sa selebrasyon ng kaniyang ika-31 kaarawan.

Hindi pa kumpirmado kung may relasyon sina Bea at Dominic, pero mapapansin umano ang pagiging sweet nila sa isa't isa, lalo sa social media. —Jamil Santos/LBG, GMA News