Maraming netizens ang kinilig matapos mag-post sa Instagram si Kylie Padilla na yakap si Andrea Torres.

Sa kaniyang Instagram, makikita ang boyish look na si Kylie habang yakap si Andrea, at nilagyan niya ng caption na: "Bagay ba kami?"

 

 

Sinamahan ito ni Kylie ng mga #umamis at #betcin na tila may kinalaman sa kanilang project.

Mayroon na itong mahigit 171,000 reacts at napakaraming comments na nagsasabing bagay sila at kinilig.

Bago nito, nagpahapyaw na rin si Kylie nang mag-post siya ng larawan ng kanilang hot kissing scene ni Andrea.

 

 

May ilang larawan din si Kylie ng teaser sa kaniyang proyekto, tulad na lamang nang umakyat at nag-pose siya sa itaas ng isang 4x4.

 

 

--FRJ, GMA News