'Tiktokers' na rin ang mainit na pinag-uusapan ngayon na Kapuso "couple" na si Kylie Padilla at Andrea Torres.

Matapos ang mga larawan ng dalawa na tila "lovers" sa kanilang bagong projects na pinusuan ng netizens, nag-post naman sila ng Tiktok videos sa pagsabak sa  "Breakfast Challenge."

"We are no longer TIKTOK virgins. Follow us on TIKTOK for updates on BETCIN," sabi ni Kylie sa caption.

Nagkomento naman sa post si Andrea ng, "Gwapo mo Babe."

 

 

Nag-post din ng video si Andrea na may nakalagay na caption na, "BetCin made us do it! Hahaha!"

Bumilib maging ang ibang kapwa celebrities sa kanilang Tiktok posts.

 

 

Kamakailan lang, ilang larawan ang ipinost ni Kylie na tila may kissing scenes sila ni Andrea bilang pasilip sa bago nilang proyekto.--FRJ, GMA News