Kinagiliwan ang isang fur mom matapos siyang magpanggap na tigre para i-prank ang mga natutulog niyang alagang aso.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras Weekend" nitong Sabado, makikita ang pagsusuot ni Sasha Mitchel Belgica ng tiger costume para surpresahin ang kaniyang fur babies.

Nang lapitan na ang isa niyang aso, nagulat ito at tila napa-attack mode.

Matapos nito, gumapang pa si Sasha para gulatin ang dalawa pa niyang aso.

Humarurot ang mga aso pababa ng hagdan habang tumatahol.

Sinundan ni Sasha ang mga gulat na gulat niyang aso.

Ayon kay Sasha, isa ito sa kaniyang kulitan kasama ang kaniyang fur babies. – Jamil Santos/RC, GMA News