Sinabi ni Kim Domingo na single ang kaniyang status ngayon at masaya siya.

Sa programang "The Boobay and Tekla Show," tinanong ang "Bubble Gang" babe kung "ready" na kaya siyang magmahal muli.

"Sa ngayon hindi pa," sagot ni Kim.

Sa naturang show, inamin din ni Kim na may kasamahan siya sa "Bubble Gang" na pumorma sa kaniya.

Ayon pa sa aktres, wala siyang partikular na katangian na hinahanap sa isang lalaki.

Para sa kaniya, sinabi ni Kim na mas pipiliin niya ang itinadhana sa kaniya, kaysa sa lalaking papasa sa kaniyang standards.

"Actually, wala naman talaga akong... kumbaga 'yung kailangan 'pag naka-meet ako ng lalaki, ganito," sabi niya.

"Meron akong parang gusto. Pero siyempre kung ano 'yung ibigay ng Diyos. Siyempre kapag nagmahal tayo, hindi natin alam kung sino 'yan," dagdag niya.

--FRJ, GMA News