Hinangaan ni Iya Villania ang pagtitiwala ng kaniyang asawang si Drew Arellano na magiging maayos ang lahat, sa kabila ng mga pag-alinlangan niya noon sa pagpasok sa buhay may-asawa.

"The reality of once I get married, things are gonna change, I might not have the same work opportunities... So you know, I was like 'Am I ready for that?' And 'Sayang. Now that I'm finally in the industry, now that I finally have this job and that,'" kuwento ni Iya sa Surprise Guest with Pia Arcangel.

"I was afraid of the change and I was so uncertain of what was to come, and what changes would it bring when we would get married," dagdag pa ni Iya.

Gayunman, inalala ni Iya ang mga pagtitiyak sa kaniya ni Drew na matutugunan nila ang pangangailangan ng isang pamilya.

"When I'd bring this up to Drew, he'd be like 'Love, we'll be fine. Ano bang buhay ang gusto mo? Gusto mo ba ng mansyon?' 'Hindi' 'O 'yun naman pala eh. Gusto mo ba ng mga bags at mga sapatos?' 'Hindi rin naman' 'O see?'" sabi niya.

"He just reminded me that the kind of lifestyle that you want is something that I know we can support and we can continue on with the comfort that we need, we can do it," dagdag pa ni Iya.

Hinangaan pa ni Iya ang kaniyang asawa, na kilalang kilala siya bilang isang tao na hindi mahilig sa mga magagarbong bagay.

"Kilala kasi niya ako na siguro he just needed to remind me that 'Love, I don't know what you're worrying about because you're not naman the type that wants this kind of magarbong buhay, so we'll be fine.'"

"It took his faith for me to find mine," sabi ni Iya.

Ikinasal sina Iya at Drew noong 2014.

May apat na silang anak: sina Primo, Leon, Alana at ang ipinagbubuntis ni Iya ngayong 2022.--FRJ, GMA News