Magiging mga magulang na sina Rocco Nacino at Melissa Gohing.

Sa Chika Minute report sa "24 Oras" nitong Biyernes, sinabi ni Rocco na nalaman niya ang pagbubuntis ni Melissa habang nasa lock-in taping siya.

Makikita naman ang pagiging blooming ni Melissa, na nagkaroon ng malaking adjustment sa kaniyang aktibong lifestyle.

Pilates, yoga at disiplina sa pagkain na ngayon ang pinagtutuunan ng pansin ni Melissa, mula sa pagiging atleta ng volleyball.

“Because God is kind to those who wait and pray,” anang actor sa kaniyang post na larawan ng sonogram at baby bump ni Melissa.

Saad naman ni Melissa sa Instagram: “God’s timing is perfect.”

 

 

Ibinahagi nila ang detalye ng pagbubuntis ni Melissa sa kanilang YouTube channel, “Life with the Nacinos.”

Ikinasal sina Rocco at Melissa noong Enero 2021.– Jamil Santos/FRJ, GMA News