Muling tinamaan ng dengue ang Dabarkads at child star na si Baeby Baste.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, makikita ang Instagram post ni Baste kung saan inanunsyo niya ang muling pagkakaroon ng naturang sakit.

Makikita rin na umiinom siya ng herbal medicine na tawa-tawa, habang pinakakain ni mommy Shiela ng arroz caldo para sa kaniyang pagpapagaling.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Baste (@iambaebybaste)

 

Nagpaabot naman ang fans ni Baste ng kanilang pagmamahal at dasal para mabilis na gumaling ang child star.

Ito na ang ikatlong beses na tinamaan ng dengue si Baste, kung saan dalawang beses siyang na-confine noong 2018 dahil din sa sakit. —Jamil Santos/LBG, GMA News