Ibinahagi ni Sandara Park ang bonding moments nila ng "Squid Game" star na si Jung Ho Yeon, na isa ring certified Blackjack o fan ng 2NE1.

Sa kaniyang Instagram, na makikita rin sa Unang Balita nitong Biyernes, nag-post si Sandara ng ilan sa kaniyang Seoul photo dump, kung saan kasama niya si Ho Yeon.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Sandara Park (@daraxxi)

Sa Twitter naman, may isang netizen ang nagsabing certified Blackjack si Ho Yeon, na labis namang ikinatuwa ni Sandara.

Sinabi naman ni Sandara na fan siya ng hit Korean series.

Sa kanilang bonding, kinanta pa umano ni Ho Yeon ang isang linya mula sa 2NE1 hit track na "Fire."  —Jamil Santos/VBL, GMA News