Star-studded ang 18th birthday celebration ng "Trudis Liit" noon na si Jillian Ward.

Ginanap noong Sabado ng gabi sa Okada Manila ang enggrandeng kaarawan ni Jillian, na napapanood sa afternoon drama series na “Abot Kamay Na Pangarap.”

Suot ang galaxy-themed gown na gawa ng Filipino fashion designer Mak Tumang, pasabog ang singing performance ng debutante.

Mayroon din siyang surprised dance number.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by @sparklegmaartistcenter

 

Kabilang sa mga dumalo ang Kapuso stars na sina Sanya Lopez, Ken Chan, Zephanie, Prince Clemente, Althea Ablan, Yasmien Kurdi, Elijah Alejo, at Nadia Montenegro, at maraming iba pa.

Sa ulat ng GMA News Weekend, sinabing aabot sa 700 ang bisita ni Jillian.

"Ang point lang po talaga ng birthday na ito is magsama-sama po kami, mag-enjoy, hindi kailangang pefect yung sayaw, yung kanta, kung anumang production number. basta nandito po yung mahal ko sa buhay," ani Jillian.

Ang birthday wish niya, good health sa kaniya at sa mga mahal niya sa buhay, at patuloy na makapagbigay ng inspirasyon sa pamamagitan ng kaniyang pinagbibidahang TV series. —FRJ, GMA Integrated News