Namataan si Heart Evangelista na naglalakad sa Paris na may dala-dalang puno.

Sa kaniyang Instagram, na makikita rin sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, fashionable si Heart sa kaniyang porma na leather jacket at denim pants.

Ayon kay Heart, isang palm tree ang kaniyang binili para sa kaniyang pag-move into sa bagong apartment sa Paris.

Kinumpirma ng Kapuso fashion icon noong 2022 na bumili siya ng apartment doon dahil sa dami ng mga dinadaluhan niyang fashion events noon. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News