Sa unang pagkakataon, magtatambalan sina Julie Anne San Jose at Rayver sa pelikulang “The Cheating Game.” Kaya naman tinanong ang dalawa kung ano ang pananaw nila tungkol sa pagtataksil sa isang relasyon.

“It’s something that you do when you’re not contented in a relationship,” sabi ni Julie Anne sa Fast Talk segment ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes.

Para kay Julie, isa ring uri ng cheating ang flirting kahit sa text.

“For me under the table. Medyo shady kasi siya. Kasi you’re allowing the person to flirt with you or make landi with you and you landi back,” sabi ni singer-actress.

Sinabi naman ni Rayver na sagrado para sa kaniya ang relasyon.

“‘Pag nasa isang relationship ka, for me kasi Tito Boy sagrado ‘yun eh. Like kung nasa isang relasyon ka, dapat contented ka with your partner and the person that you love,” anang binata.

“Kung hindi ka, kagaya ng sabi ni Juls na hindi contented, may tendencies talaga na hanapin mo sa ibang tao,” dagdag ni Rayver.

Nang tanungin kung may uri ba ng pagtataksin na maaaring patawin, sabi ni Rayver, depende.

“Depende siguro ‘pag pamilyado ka na. Maybe by then, depende sa kasalanan, then para na rin for the kids,” paliwanag niya.

Inilahad din ng dalawa ang kanilang gagawin kung may “umaligid” o nagtangkang pasukin ang boundaries ng kanilang relasyon.

“Ako kasi honestly hindi talaga ako confrontational na tao,” sabi ni Julie, na inamin ding “sakto lang” ang kaniyang pagiging selosa.

“I’m not like that. And then hindi ko siya aawayin, but we’ll talk about it,” anang dalaga.

Tanggap naman ni Julie na may iba pa ring babae ang nagkakagusto kay Rayver.

“Okay sa akin kasi, lovable naman kasi talaga si Ray. Hindi mo talaga maiiwasan na walang magkagusto sa kaniya kasi definitely ang daming nagkakagusto sa kaniya,” sabi ni Julie.

Sagot naman ni Rayver: “Kasi ako confident po ako na ako lang talaga ‘yung lalaki sa buhay niya. Pero kung may mga makukulit talaga, kakausapin ko rin. ‘Yung parang nag-overstep, sabihin ko na ‘Preno preno ka nang kaunti bro.’” --FRJ, GMA Integrated News