Para kay David Licauco, higit pa sa pagpapakilig ang kaniyang pagiging “Pambansang Ginoo,” dahil nakikita niya itong paraan para magsumikap maging role model sa mga kabataan.

Sa Star Bites report ni Lhar Santiago sa Balitanghali nitong Biyernes, sinabing malaki ang pasasalamat ni David sa patuloy na natatanggap na suporta mula sa Team “FiLay” fans.

Dagdag ni David, sunod-sunod sa kaniya ang blessings kahit tapos na ang kaniyang pagpapakilig sa “Maria Clara at Ibarra” bilang si Fidel o ang “Pambansang Ginoo.”

“Ang Pambansang Ginoo, it just means na, kumbaga role model ka ng youth. ‘Yung sa akin I just have to do my best to be a good model to everyone,” sabi ni David.

Bukod dito, masaya rin si David na tinatawag naman ang kapatid niyang si James bilang ang “Pambansang Bayaw.”

Ayon kay David, deserve ito ni James dahil mahusay itong maglaro ng volleyball. —LBG, GMA Integrated News