Sinamantala ng ilang Kapuso stars ang Holy Week break para makapagbakasyon upang makapag-relax at mag-recharge.

Sa Starbites report ni Nelson Canlas sa GTV "Balitanghali" nitong Lunes, sinabi nito na humabol sa cherry blossom season sa Japan ang Kapuso actor na si Alden Richards.

Sa Japan din pinili ni Yasmien Kurdi na magpunta nitong Holy Week break kasama ang kaniyang mister at anak.

Samantala, nagtampisaw naman sa beach ng Pangasinan si "Mga Lihim ni Urduja" star Sanya Lopez.

Nag-scuba diving naman sa Batangas ang isa pa sa mga bida ng "Mga Lihim ni Urduja" na si Gabbi Garcia.

Nag-enjoy naman sa kanilang bakasyon sa El Nido, Palawan sina "Hearts on Ice" stars na sina Ashley Ortega at Roxy Smith.

Habang nagpainit naman Boracay ang hot mom na si Max Collins, kasama ang mga kaibigan. --FRJ, GMA Integrated News