Nagbabalik sa bansa ang English singer-songwriter Sam Smith para sa kaniyang concert sa Oktubre.

Bahagi ng Asian leg ng kaniyang "GLORIA: The Tour," ang concert na gaganapin sa Mall of Asia Arena sa Oktubre 21.

Sinimulan na ni Sam nitong Abril ang kaniyang tour sa Europe at tutuloy sa North America sa Hulyo bago tutungo sa Pilipinas at iba pang bansa sa Asya sa Oktubre.

Tampok sa kaniyang latest at ikaapat na studio album na “Gloria” ang mga kantang "Unholy," "I'm Not here to Make Friends, and "Love Me More."

Wagi si Sam ng Grammy Award for Best Pop Duo at Group Performance para sa kantang "Unholy” kasama si Kim Petras, isang German-based USA singer na pinakaunang transgender woman na manalo sa Grammy.

--Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News