Inanunsyo na ang halaga ng mga ticket at seat plan sa gaganaping Maroon 5 concert sa Pilipinas sa Enero 2025.
Idaraos ang Maroon 5 concert sa SM Mall of Asia Arena sa January 29, 2025 bilang panimula ng kanilang Asian tour.
Ayon sa Live Nation Philippines, mayroong walong pagpipilian ang Maroon 5 fans na mula sa pinakamurang tickets na P3,550 hanggang sa pinakamahal na P18,250.
Ticket prices:
- General Admission - P3,550
- UB Regular - P7,850
- UB Premium - P8,850
- LBB Regular - P14,550
- LBB Premium - P15,250
- Floor Standing - P15,850
- LBA Regular - P17,250
- LBA Premium - P18,250
Maaaring bumili ang fans ng maximum na six tickets per transaction. Magsisimulang ibenta ang mga ticket sa September 28, simula ng 12 p.m. Mayroong ding tatlong presales na gagawin: Artist Presale sa September 24, Mastercard Presale sa September 25, at Live Nation Philippines Presale on September 27.
Bukod sa Manila, magtatanghal din ang Maroon 5 sa Jakarta, Bangkok, Kuala Lumpur, Tokyo, at Kaohsiung in Taiwan.
Ito na ang ika-apat na concert sa Pilipinas ng Maroon 5. Huli silang nagtanghal sa bansa noong 2022, at pinakauna naman noong 2015, at nasundan noong 2019.
Binuo ang Maroon 5 noong 1994 na kinabibilangan nina Adam Levine, Jesse Carmichael, James Valentine, PJ Morton, Matt Flynn, Sam Farrar, Mickey Madden, at Ryan Dusick.
Kabilang sa kanilang hit songs ang “Moves Like Jagger,” “She Will Be Loved,” “Payphone,” at marami pang iba.— FRJ, GMA Integrated News