Itinanghal na ang "Hello, Love, Again" nina Alden Richards at Kathryn Bernardo bilang highest-grossing Filipino movie of all time.
Sa Instagram posts ng GMA Pictures at Star Cinema, inanunsyong tumabo na ito ng P930 milyon sa worldwide box office 10 araw lamang matapos itong ipalabas sa mga sinehan noong Nobyembre 13.
Nahigitan nito ang pelikula nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na "Rewind."
Kamakailan lamang din, gumawa ng record ang "Hello, Love, Again" nang maging pangwalo ito sa Top 10 films sa Amerika, na unang pagkakataon para sa isang pelikulang Pilipino na mapabilang sa listahan.
Sold out din ang "Hello, Love, Again" sa 2024 Asian World Film Festival, na nagsilbing closing film sa Los Angeles, California.
Napanonood ang "Hello, Love, Again" sa 1,100 mga sinehan sa Europe, North America, Southeast Asia, at Middle East. —Jamil Santos/LDF, GMA Integrated News
‘Hello, Love, Again,’ itinanghal bilang highest grossing Filipino film of all time
Nobyembre 22, 2024 9:22pm GMT+08:00
ISINULAT NI: GMA Integrated News
RELATED STORIES
Alden Richards, Kathryn Bernardo, itinanghal na 2024 Box Office King and Queen ng CEAP
Alden Richards, Kathryn Bernardo named 2024 Box Office King and Queen by CEAP
‘Hello, Love, Again’ wins Box Office Hit Award at MIFF 2025
Christian Bautista, naiwala ang singsing nang magpo-propose na kay Kat Ramnani
Christian Bautista, muling pumirma ng kontrata sa GMA Network