Timbog ang isang babae na tulak umano ng shabu sa Barangay Culiat sa Quezon City kaninang madaling araw.

Naaktuhan ng pulisya na may iniaabot ang suspek na si Ialyn Tina-an sa parokyano niya na nakatakbo naman.

Nakuha kay Tina-an ang apat na sachet ng umano’y shabu.

Ang nakakabahala ay pinapwestuhan pa ang bahay sa halagang P20.

Kasama doon ng suspek ang dalawa niyang anak — isang dalawang taong gulang at isang apat na taong gulang.

Walang tigil sa kaiiyak ang batang babae nang isama ng mga tauhan ng barangay.

Aminado ang suspek na nagbebenta siya ng shabu at pinapapwestuhan niya ang bahay dahil kailangan niya ng pambili ng pagkain ng mga anak.

Aniya, napasok siya sa ganitong transaksyon matapos makulong ang kanyang asawa noong Pebrero dahil din sa kasong may kinalaman sa droga.

Mananatili muna sa kustodiya ng barangay ang mga bata at kapag walang kaanak na kumuha ay ituturnover ang dalawa sa DSWD.