Sa programang "Mars," ibinahagi ni Camille Prats na kung paano sasabihin sa asawa ang mga bagay na hindi niya gusto na hindi ito masasaktan o magagalit.

Ayon kay Camille, hindi puwede na basta-basta na lamang para sa isang may karelasyon o asawa na ihayag ang nararamdaman dahil kailangan pa rin umano ng tamang timing. Babala niya,  maaaring lumala ang sitwasyon kung wala ito sa timing.

"You can't just say it nang wala lang, dahil naisipan mo lang. Kasi kahit 'yung pagtanggap ng taong 'yon, magiging iba kung mali 'yung tiyempo mo. So masasayang 'yung effort mo, 'yung purpose of saying it. Pangalawa, puwedeng makasira pa imbes na makapagpaayos," paliwanag niya.

Panoorin ang buo nilang talakayan sa video na ito ng "Mars."

Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment

--Jamil Santos/FRJ, GMA News