Patay ang isang lalaki matapos barilin ng kanyang sinisingil sa utang sa Barangay Hagonoy, Taguig City nitong Lunes.

Kinilala lamang ang biktima sa alyas na "Cholo."

Kwento ng Grab driver na si Rowell Santiago, sumakay ang biktima sa Pasig at nagpahatid sa Taguig para maningil ng pautang.

Pagdating nila sa Capistra o Extension ay bumaba na ang biktima para maningil ng pautang habang naiwan naman sa loob ng kotse ang driver.

Matapos ang ilang saglit ay nakaranig na lang ng sunod sunod na putok ang driver.

Agad na nasawi ang biktima matapos magtamo ng mga tama ng bala sa katawan

Nakatakas naman ang hindi pa nakilalang suspek. — BAP, GMA News