Sa isang bihirang pagkakataon, nagsalita si Sorsogon Governor Chiz Escudero tungkol sa pagkawala ng kambal nilang anak ni Heart Evangelista at kung paano nila ito pinagdaanan.

Sa vlog entry ni Heart na Adulting 101 with Governor Chiz, tinanong niya ang kaniyang asawa kung ano ang maipapayo nito sa mga nakaranas din na mawalan ng anak dahil sa miscarriage, tulad nila.

"If you have someone beside you, whether it's your parent or parents, your husband or your boyfriend or a loved one or a friend, you cannot both be indulging or dwelling on it. That's how I saw it and I see it. Meaning to say, we can't both be crying on each other's shoulders and actually trying to console each other. One has to do the consoling over in relation to the other one who is grieving," pahayag ni Chiz.

"'Wag mo lang sabayan. So in my case, I didn't indulge, I didn't dwell. That time hasn't come yet, it may come soon, 'wag lang sabay. And that's how, I guess, we were able to overcome it," dagdag pa ng governor.

Para kay Chiz, maigi na ang isa ay mananatiling matatag para ikonsuwelo ang naghihinagpis na partner, asawa, o kaibigan.

"Compared to a situation na pareho kaming wasted na inconsolable, mahirap naman 'yon. So though it seemed that I was not affected and only you who was affected, it's something that a couple should actually..."

Inihayag naman ni Heart na sa kabila ng asawa, nakita niya ring umiyak si Chiz.

"Nakita kita umiyak ka eh. Akala mo tulog ako. Pagbaba ko super bloodshot 'yung mata niya. But you know, I really appreciate though the way you handled it because it was my first time and he's experienced [things in the past], so I really appreciate that. So I just wanna say thank you so much."

Panoorin ang kabuuan ng kanilang kuwentuhan.

Inanunsyo ni Heart Mayo noong nakaraang taon na kambal ang ipinagbubuntis siya, pero hindi ganap na nabuo ang isa sa mga ito.

Hunyo naman nang i-anunsyo ng Kapuso actor na hindi na rin nabuhay ang nananatili nilang anak.  — Jamil Santos/DVM, GMA News