KALIBO, Aklan - Panibagong atraksiyon ngayon sa bayan ng Kalibo ang snake massage, ayon sa ulat ng "Balitanghali Weekend" nitong Sabado.

Sabi ni Ramon Dio, may ari ng Ostrich Farm, naisipan niyang gawin ang snake massage dahil nakita niya daw ang ganitong klaseng activity sa ilang tourism destination sa lalawigan ng Bohol.

Gamit ni Dio sa snake massage ang alagang magkapares na Burmese Python at Albino Burmese Python para sa paandar na snake massage.

Dahil sa bago pa diumano ang snake massage para sa mga taga Aklan donasyon pa lamang ang hinihingi ni Dio para maranasan ang kakaibang kiliti at kilig ng snake massage.

Puwedeng gawin ang snake massage sa pamamatigan ng pag upo o paghiga kasama ng mga ahas. — DVM, GMA News