Sa kanyang guesting sa Unang Hirit nitong Martes nang umaga, naki-jamming si Sen. Ronald "Bato" dela Rosa kung saan live niyang inawit ang hit song na "Pusong Bato."

Kasama ang news anchor na si Arnold "Igan" Clavio, kitang-kita na masaya at bigay na bigay sa pagkanta ang baguhang senador.

Bago nito, kinanta rin ni Dela Rosa ang "Bawal na Gamot."

Dating Philippine National Police at Bureau of Correction chief si Dela Rosa bago siya nanalo bilang senador nitong nakaraang May 2019 elections. —KBK, GMA News