Sa programang "Tonight With Arnold Clavio," inilaglag ni Betong Sumaya ang kaniyang mga kaibigan na sina Michael V., Dingdong Dantes at Alden Richards tungkol sa mga bagay na hindi pa alam ng mga tao sa kanila.

Ikinuwento ni Betong na si Bitoy dapat ang gaganap bilang ang Bubble Gang character na si Antonietta, pero gusto ng comedy genius na mag-"shine" ang lahat kaya ipinagkatiwala niya ito sa "amazing" na comedian.

Si Dingdong naman na nakasama niya sa Genesis, malakas daw kumain.

Ano kaya ang sikreto ni Alden na inilaglag ni Betong? Panoorin. — Jamil Santos/DVM, GMA News