Isa pang opisyal ng Department of Health (DOH) ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa ulat ni Isa Avendaño-Umali ng Super Radyo dzBB nitong Biyernes, kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III na nagpositibo sa virus ang isa niyang undersecretary.

Nagpapakita umano ng mild symptoms ng sakit ang opisyal, sabi ni Duque sa GMA News Online.

Nitong nakaraang linggo, sinabi ng DOH na isang senior official, at isang director ang nagpositibo rin sa COVID-19.

Nagpa-COVID-19 test na si Duque, na isa umanong asthmatic at hypertensive, at negatibo ang resulta nito.—FRJ, GMA News