Inihayag ng psychic at "Nostradamus of social media" na si Jay Costura na bago pa man pumasok ang taong 2020, nakita na niya sa panaginip ang mga tao na nagtatakip ng mga ilong at naglalayuan sa isa't isa. Isa nga ba itong pangitain ng COVID-19, at may napanaginipan din kaya siyang lunas?

"Pero ang nangyayari po kasi sa akin is puro warning signs siya. Lagpas na po sa bilang ng daliri ko tsaka sa paa ko 'yung mga panaginip na nangyayari talaga siya," sabi ni Jay sa "Mars Pa More."

Disyembre 2019 pa raw nang makita ni Jay sa panaginip ang isang sakit na dala ng hangin dulot ng virus na nakamamatay.

"Ang nakita ko po sa dream it is very clear na ang mga tao po ay nakatakip siya tapos lumalayo sila sa isa't isa so kinabahan agad ako. Tapos paggising ko, nagtaka ako bakit ang mga tao ay natatakip ng ilong nila tapos nakita ko doon na they are wearing masks," sabi ni Jay.

Nagpahiwatig naman ng tila lunas ang sumunod na panaginip ni Jay.

"Ang sumunod na dream ko kasi is 'yung nahimatay ako tapos binuhat ako ng malaking kamay na nagliliwanag, tapos pinainom lang niya ako ng clear water. May pinakita kasi sa akin na parang itim na hangin, tapos pinainom ako ng tubig lang na malinaw."

Panoorin ang mga pahayag ni Jay sa video sa itaas. —LBG, GMA News