Pumanaw na ang ina ni Hollywood actor Rob Schneider na si Pilar Monroe Schneider, na isang Filipina. Sa Instagram post ng komedyante, ibinahagi niya ang hirap at tagumpay ng kaniyang ina mula sa pagkabata.

Sa post ni Rob, sinabi niya na mapayapang pumanaw ang kaniyang ina, "after spending a perfect Sunday evening family dinner surrounded with loved ones at her side."

Pagbahagi pa ng aktor, isang World War II survivor ang kaniyang Nanay Pilar noong bata pa, at naging isang matagumpay na educator sa California matapos na makapag-aral.

Ayon kay Rod, isang sundalong Amerikano ang ama ni Pilar pero hindi na niya [Pilar] nakagisnan dahil lumisan bago pa man siya isilang.

Ang dalawang kapatid naman na lalaki ni Pilar na sina John at Bill na mga binatilyo noong panahon ng digmaan ay pinaslang ng mga sundalong Hapon.

Upang may makain noong panahon ng digmaan, nananahi umano ng pajama mula sa mga bedsheet ang kaniyang ina upang ipangpalit sa pagkain.

 

 

Ayon pa kay Rob, nagawang makapag-aral ng kaniyang ina nang may makita itong pera--kasama ang kapatid na si Rose--sa isang kuweba na ibinaon ng mga Hapon.

Nang makapagtapos ng kolehiyo sa University of Santo Tomas  si Nanay Pilar, lumipat na siya sa Amerika noong 1950s.

Nakakuha si Pilar master’s degree bilang reading specialist at nahalal na school board sa Pacifica, California, “getting more votes than Bill Clinton.”

“Pilar bécame a beloved teacher for 3 decades and three generations of children who would be grateful that years later she remembered every one of their names,” saad ni Rob.

“After retiring from teaching Pilar made sure that the Schools in her town where she raised all her children, Pacifica, all had music teachers and music classes, a program she ran for 15 years,” patuloy ng aktor.

“Pilar spoke often of joining her beloved husband of 39 years, my lovely father Marvin Schneider. That day has come for them to be together,” ayon kay Rob. “I am proud to be able to say that I am the son of Pilar Monroe Schneider.”

Bukod sa pagiging aktor, isa ring screenwriter at director si Rob.

Kabilang sa mga pelikulang nakagawa niya ang “Benchwarmers,” "Deuce Bigalow: Male Gigolo," at "The Animal." Madalas din siya kasama sa mga pelikula ni Adam Sandler tulad ng “Grown Ups,” “50 First Dates,” “Click” at ang pinakabago ang “Hubie Halloween.”

Sa ilang pelikula nina Rob, nagkakaroon ng cameo role si Nanay Pilar.--FRJ, GMA News