Inilahad ni Arianne Bautista na galit ang kaniyang naramdaman matapos makipaghiwalay sa nobyo na nahuling may ibang karelasyon.

Mula sa pagsubok, paano nga ba muling bumangon si Arianne sa buhay at naka-move on?

Sa Stories of Hope, makikita ang post noon ni Arianne kung saan isiniwalat niya sa Facebook ang ginagawang panloloko umano ng kaniyang boyfriend.

"All I can think of was revenge during that time. All I can think of was 'Deserve niyang ma-reveal, ma-expose.' 'Yun ang pinakita ko rin, para ipakita lang din sa buong mundo na 'yan (ex boyfriend niya) 'yung sinasabi niyo. Ano pa ba ang dapat kong maramdaman? Hindi ako para rito maging sikat," sabi niya.

Dahil dito, nakatanggap ng batikos si Arianne.

"'Post ka ng post ng mga ganiyan. Baka isa ka rin sa girls niya. Akala niya kayo pero hindi naman pala,'" pag-alala ni Arianne sa isang komento sa kaniya.

Kalaunan, humingi ng tawad ang kaniyang ex, pero hindi na sila nagkabalikan.

Pero sa tulong ng kaniyang pamilya at church mates, muling pinalalim ni Arianne ang kaniyang pananampalataya sa Diyos.

Hanggang sa naging "hotline" si Arianne ng mga taong may problema o naghahanap ng mga kasagutan sa kanilang buhay.

"Talagang lost, hindi ko alam talaga ang gagawin ko. But right now, I'm becoming a blessing to other people," anang aktres.

"Actually totally moved on na ako last year. I was so surprised last year na, I was praying to God, kasi may prayer time ako every day. During my fasting last year, intercede, prayer for other people, for my family, for my friends and for everything. And then eventually nagpe-pray ako para sa lahat ng exes ko," sabi ni Arianne. -- BAP, GMA News