Nahuli sa CCTV ang pagnanakaw sa isang tindahan sa Calasiao, Pangasinan ayon sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Amianan sa Unang Balita nitong Huwebes.

Ayon sa ulat, makikita sa CCTV ang isang babae na nagmamasid sa paligid ng tindahan at pasimple pa itong sumisilip sa loob. Nang may dumaan na sasakyan ay agad naman itong umupo na wari’y tumambay lang sa lugar.

Isang sandali lang ang nakalipas ay hinawi niya ang kurtina at dahan-dahang binuksan ang gate papasok. Makikitang may kinuha siyang container at mabilis din itong umalis pagkatapos.

Ayon sa may-ari, hindi raw nila napansin ang babae. Itinatayang mahingit P2,000 ang halagang nakuha ng suspek na siyang kita umano ng tindahan. — Sherilyn Untalan/RSJ, GMA News