DMW, nagbabala sa mga OFW na mag-ingat laban sa mga nag-aalok ng investment na scam umano
ABRIL 17, 2024, 6:01 PM GMT+0800
SINULAT NI GMA INTEGRATED NEWS
Naglabas ng isang pahayag ang Department of Migrant Workers (DMW) para bigyan ng babala ang mga overseas Filipino worker (OFW) at kanilang pamilya laban sa mga nagpapanggap umano na lehitimong investment platforms na naghihikayat na magpasok sa kanila ng pera bilang puhunan.