Isang estudyanteng Pinoy ang nalunod sa Northland, New Zealand habang kasama ang mga kaibigan sa isang talon.

Sa ulat ng GMA News "Saksi" nitong Martes ng gabi, kinilala ang biktima na si Kent Espinosa, ayon sa opisyal ng Philippine Embassy sa Wellington.

Nangyari umano ang trahediya noong Biyernes habang naka-break ang pinapasukang paaralan ng biktima.

Nagpaabot na ng pakikiramay ang Department of Foreign Affairs sa pamilya ni Espinosa.

Nakikipag-ugnayan na rin ang emabahada sa mga awtoridad sa New Zealand para maiuwi ang kaniyang labi.

Inaasikaso na rin ng DFA para maiuwi ang mga labi ng bagong kasal na OFW na sina Leomer at Erika Joyce Lagradilla, na nalunod naman sa Maldives habang nasa kanilang bakasyon at honeymoon.

READ: Bagong kasal na OFW, nasawi nang malunod sa Maldives habang nasa honeymoon

Mula sa Maldives, nakatakdang ibiyahe ang mga labi ng mag-asawa pa-Sri Lanka. --FRJ, GMA News