Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na may isang Pinay na turista ang nawawala sa Indonesia.

Sa ulat ng GMA News TV "Quick Response Team" nitong Miyerkules, kinilala ang nawawalang Pinay na si Ella Balmaceda Paaño, 25-anyos.

Dapat umanong nakabalik na sa Pilipinas si Paaño noong December 28, pero December 25 palang ay hindi na raw ito nakakaugnayan ng kaniyang mga kaanak.

Dahil dito ay naghain na ng missing person report ang embahada ng Pilipinas doon para humingi ng tulong sa mga awtoridad upang mahanap si Paaño.--FRJ, GMA News