Umani ng batikos mula sa netizens ang paggamit ng watawat ng Pilipinas bilang barber capes sa isang event sa California, USA.

Ayon sa ulat sa Unang Balita nitong Lunes, nagkaroon ng kompetisyon ang National Filipino Barbers Association kasabay ng isang programa ng Golden State Warriors kung saan ginamit ang watawat ng Pilipinas bilang kapa sa mga nagpapagupit doon.

Sabi ng mga bumabatikos, ito raw ay pagpapakita ng paglapastangan sa bansa.

Nakasaad din sa Flag and Heraldic Code of the Philippines ang maling paggamit sa watawat.

NFBA, humingi ng paumanhin

Bunsod nito, humingi ng paumanhin ang isang miyembro ng National Filipino Barbers Association. Hindi daw nila intensiyon na magpakita ng "disrespect" sa watawat ng Pilipinas. 

 

"On behalf of the NFBA and the members who participated at the Warrior’s Filipino Heritage Night on March 10th, I want to extend my sincerest apologies for the misuse and misrepresentation of our National flag as barber capes," ani Jayr Mallari sa isang post sa Facebook.

"During this particular event, our intention was to use our platform to express pride in and raise awareness of our heritage by highlighting our flag design," dagdag pa niya.

"It was not our intent to offend or inadvertently disrespect any of our fellow Filipinos or our country in any way."

Nangako si Mallari na hindi na muli nila gagamitin ang barber capes nila na may disensyo ng watawat ng Pilipinas.

"Please accept my sincerest apologies as I have made an honest mistake and I am eager to learn more about how we at the NFBA can continue upon our mission whilst navigating respectfully," sabi ni Mallari. —Anna Felicia Bajo/KBK, GMA News