May pagkakataon na makapagtrabaho sa kalapit na bansang Thailand ang mga Pinoy English teachers.

Sa ulat ng GMA News TV "Balitanghali" nitong Miyerkules, sinabing may pipirmahang Memorandum of Understanding  ngayong buwan ang  Department of Labor and Employment (DOLE) at pamahalaan ng Thailand.

Sa ngayon, hindi pa umano masabi ng ahensya kung ilang English teacher ang kakailanganin ng Thailand at iaanunsyo na lang ito sa mga darating na araw. -- FRJ, GMA News