Dahil sa pangangailangan sa pera, nahinto sa pag-aaral sa kolehiyo si Mine upang magtrabaho sa ibang bansa upang matustusan ang pangangailangan ng pamilya. Nang makaipon, bumalik siya sa bansa at ipinagpatuloy ang pag-aaral at ngayon ay magtatapos na sa kolehiyo.

Pero lalong bumulos ang luha sa studio ng "Wowowin" nang maging emosyonal si Mine nang sabihin na labis ang kasiyahan sa puso niya dahil sa unang pagkakataon ay nadinig niya sa kaniyang ama na proud ito sa kaniyang mga ginawa. Panoorin ang nakaantig sa tagpo sa video na ito.


Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment

-- FRJ, GMA News