Isang Pinay mommy sa Canada ang viral online dahil sa kaniyang nakakatuwang pakulo sa panggagaya sa kaniyang mga iniidolong celebrity.

Kabilang sa mga ginaya ng mommy Grace Delos Santos ay post noon ni Kapuso star  Heart Evangelista, na nag-viral din dahil sa kaniyang "look" bago bumili ng corned beef.

Kuwento ni mommy Grace, hindi raw biro ang maging hands on mom sa kaniyang apat na anak. Dahil madalas lang na nasa bahay, naisipan niyang gawan ng mommy versions ang ilang sikat na artista sa Instagram.

Panoorin ang buong report sa video na ito ng "Balitanghali."


--FRJ, GMA News