Nakauwi na sa Pilipinas ang ilang Pinay at kanilang mga anak na nadetine ng dalawang linggo sa Malaysia.

Sa ulat ng GMA News TV "State of the Nation" nitong Huwebes, sinabing na-detain ang mga Pinay matapos silang maaresto kasunod ng isinagawang operasyon ng immigration office sa Malaysia.

Pag-uwi nila sa bansa, sinalubong sila ng Migrante International at Churches Witnessing With Migrants (CWWM).

Nakabiyahe na rin sila patungo sa kani-kanilang lalawigan.

Nagsasagawa ng operasyon ang immigration office ng Malaysia laban sa mga dayuhan na iligal na nanatili sa kanilang bansa.

Ayon sa ilang nakauwing Pinoy, hindi naging makatao ang pagtrato umano sa kanila sa detention center sa Malaysia.

Mayroon din umanong mga bata na edad dalawang taon pababa ang dinadala sa detention center kahit may visa ang kanilang mga magulang.-- FRJ, GMA News