Isang Pinoy sa Toronto, Canada ang inaresto dahil sa reklamo ng sexual assault sa ilang kabataan doon. Ang modus daw ng suspek, dumalo sa mga prayer gathering para maghanap ng bibiktimahin.


Sa ulat ng GMA News TV "Balitanghali" nitong Lunes, sinabing inaresto ng Toronto police si William Christopher Claveria, dahil sa panghahalay umano ng ilang kabataan sa ilang simbahan doon.

Sa bisa ng search warrant, sinalakay din ng mga awtoridad ang kaniyang bahay at doon nakuha ang ilang device na naglalaman umano ng mga malalaswang larawan at video ng kaniyang mga naging biktimang kabataan.

Haharap sa korte si Claveria sa July 18.

Samantala sa Pennsylvania, USA naman, inaresto ang isang Pinoy exchange student matapos ireklamo naman ng panggagahasa.

Kinilala ang suspek na si Alexis John Dolotina, na kabilang sa international work travel program.

Wala pa siyang pahayag sa kinakaharap na reklamo.-- FRJ, GMA News