Patay ang isang kauuwi lang na OFW sa Tabina, Zamboanga del Sur matapos siya umanong pagsasaksakin ng sarili niyang mister, ayon sa ulat sa Unang Balita nitong Huwebes.

Kauuwi lang galing Malaysia ng biktimang si Emilyn Lariosa nitong Lunes. Base sa imbestigasyon, kaagad daw silang nagtalo ng kanyang mister na si Erwin nang sitahin niya tungkol sa mga utang.

Kinabukasan ay muling nagtalo ang dalawa hanggang sa humantong sa pananaksak sa harap mismo ng tatlo nilang anak .

Dead on the spot si Emilyn.

Inireklamo na ng parricide ang kanyang mister.

Walang pahayag ang suspek sa nangyari. —Margaret Claire Layug/KBK, GMA New