Patuloy ang mga nagaganap na protesta ng mga residente sa Hong Kong para tutulan ang kontrobersiyal na extradition bill, kung saan papayagan na madala sa Mainland China ang mga tao doon na mahaharap sa kaso.

Sa gitna ng mga protesta, kumusta na kaya ang mga kababayan nating OFW doon na nagtatrabaho at ano ang kanilang mga pangamba? Panoorin ang ulat na ito ni Atom Araullo para sa "i-Witness."

Sa pagko-cover ng grupo ni Atom sa protesta sa Hong Kong, hindi inasahan na sila man ay tatamaan ng tear gas nitong nakaraang linggo. Silipin ang buong pangyayari sa video na ito.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News