Pinay na laki sa hirap, nakaahon sa buhay nang makipagsapalaran sa Japan
ABRIL 2, 2024, 6:19 PM GMT+0800
SINULAT NI JAMIL SANTOS,GMA INTEGRATED NEWS
Sa kabila ng negatibong kahulugan sa isipan noon ng iba ang pagiging "Japayuki," hindi ikinahihiya ng isang Pinay ang ginawa niyang pakikipagsapalaran sa Japan upang makaahon sa kahirapan, at masuportahan ang kaniyang mga magulang at mga kapatid. Ang dating hindi makabili ng gamot na halagang 75 sentimos, may-ari na ngayon ng pinakamalawak na karaoke facilities sa Japan.