Naiuwi na sa Pilipinas ang Pinay na nagtatrabahong kasambahay  at na-comatose sa Macau. Samantala, 42 distressed OFWs naman sa Riyadh ang inaasahang darating sa bansa ngayong Huwebes.

Sa isang pahayag mula sa Department of Foreign Affairs nitong Miyerkoles, sinabing noong Agosto 29 naiuwi sa Pilipinas ang tubong-La Union na Pinay na na-comatose noong Abril at mula noon ay nakaratay na sa isang ospital sa Macau.

Ang anak umano ng Pinay, na isa ring OFW sa Macau, ang lumapit sa konsulado ng Pilipinas doon para humingi ng tulong. Kaagad naman kumilos ang mga kinauukulang ahensiya upang alamin ang kalagayan ng Pinay at inihanda ang repatriation ng pasyente.

“The work to ensure that our kababayan is repatriated to the Philippines required close coordination among several officials from different agencies based in Macau, Manila and La Union. The Philippine Government will extend all efforts across all borders in promoting the welfare and well-being of our kababayans anywhere in the world,” sabi ni Philippine Consul General to Macau Lilybeth R. Deapera.

“I also extend my sincerest appreciation to the management, doctors and nurses at San Teng Hospital for the professional and humane care extended to our kababayan throughout her confinement. I also thank PAL for providing utmost assistance in the repatriation. Finally, I thank the Protocol, Public Relations and External Affairs Office of Macau SAR for their invaluable assistance in coordinating with airport, immigration and customs authorities for the smooth conduct of the repatriation,” dagdag niya.

Samantala, inaasahan naman na darating sa bansa ngayong Huwebes ang 42 distressed OFWs sa Riyadh, na nanuluyan sa Bahay KaIinga doon.

Ayon kay  Labor Attache Nasser Mustafa, ang mga uuwing Pinoy ay ikalawang grupo ng distressed OFWs na napagkalooban ng exit visa ng Saudi Ministry of Labor, na hiniling ni Labor Secretary Silvestre Bello III at Overseas Workers Welfare Administration Administrator Hans Cacdac.

Bukod sa 42 OFWs, sinabi ng Philippine Overseas Labor Office sa Riyadh na mayroon pang 80 OFWs ang nabigyan na rin ng exit visas at inihahanda na ang kanilang pag-uwi sa Pilipinas.--FRJ, GMA News