Nakita na ang labi ng isa pang Pinoy na kasamang nasawi ng anim na mangingisda matapos silang mabagsakan ng isang tulay sa Taiwan nitong Martes.

Unang nakita nitong Miyerkules ang bangkay ng dalawang Pinoy. Bukod sa kanila, tatlong iba pa ang nasawi sa naturang insidente, at 12 ang nasugatan.

Ayon sa ulat ng Agence France-Presse, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa Taiwan sa dahilan ng pagbagsak ng tulay.

Makatatanggap din umano ng Tw$5 milyon ($161,000) ang pamilya ng mga nasawi bilang kompensasyon.

Bago nangyari ang pagbagsak ng tulay na ginawa noong 1998,  binayo ng malakas na bagyo ang Taiwan. — Agence France-Presse/FRJ, GMA News