Dahil umano sa tumitinding kaguluhan na nagaganap sa South Sudan, inihayag ng Department of Labor (DOLE) na hindi na muna magpapadala ng mga manggagawang Pinoy sa naturang bahagi ng African.

Sa isang pahayag nitong Martes, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III, na ang desisyon na magpatupad ng total deployment ban ay kasunod ng pagdeklara ng Department of Foreign Affairs ng alert level 4 sa naturang bansa dahil sa paglala ng sitwasyon sa lugar.

Napagkasunduan umano ng governing board ng Philippine Overseas Employment Administration na pinamumunuan ni Bello, na magpatupad ng total ban "on the processing and deployment of all OFWs bound for South Sudan, until further notice.”

Unang nagdeklara ng alert level 2 ang DFA sa South Sudan, at itinaas sa level 4 bunga nang tumitinding labanan ng mga puwersang tapat kina President Salva Kiir at Vice President Riek Machar.--FRJ, GMA News