Labinsiyam na Filipino ang nasugatan sa nangyaring road accident sa Via Cassia, Rome na kinasangkutan ng isang pampublikong sasakyan, ayon sa Department of Foreign Affairs nitong Martes.

Sa pahayag ng DFA, sinabing nakuha na ng Philippine embassy doon ang mga pangalan at contact details ng mga Pinoy na nasangkot sa sakuna noong Miyerkules, Oct. 16.

Wala naman umanong kritikal ang kalagayan pero tatlo sa kanila ang nasugatan sa noo, at dalawa ang nabalitaan sa balikat at binti.

“According to doctors who evaluated the Filipinos, no one was critically injured,” ayon sa DFA. “The embassy will continue to coordinate with Italian authorities, as the conduct of investigation to determine the cause of the accident is still in progress.”—FRJ, GMA News