Arestado ang anim na umano'y illegal recruiter sa Maynila na nambibiktima ng mga taga-probinsya na nais makapagtrabaho sa abroad.

Sa ulat ng Unang Balita, sinabi ng ilang biktima na sa social media kumikilos ang grupo at target ang mga nasa probinsya.

Mag-aalok umano ang grupo ng trabaho sa ibang bansa at malaki umano ang sweldo.

Kapag na-interview na ng kasabwat na agency ang mga na-recruit ng grupo ay dito na raw sila sisingilin.

Kabilang na ang lahat ng ginastos ng grupo para madala sa Maynila ang mga ni-recruit.

Tumanggi naman magbigay ng pahayag ang mga suspek. —GMA News